I had a very long sleep. Sobrang pagod ko siguro plus ilang gabi na rin akong di nakakatulog. Cindy had to wake me up to remind me that I have to meet someone before 11.
Today I was planning to check out some apartments in Chatswood. Why Chatswood? Kasi it's a place that I'm quite familiar with. Dun din nakatira si Marvini kaya nde ako natatakot dun. Tsaka may malaking mall dun hehehe. Isa pa sa chatswood ako maraming nakitang rooms for rent na nde kamahalan.
Medyo nag-iba na ang itsura ng Chatswood station. Sabagay, nung last time na dumaan ako dun may construction work na ginagawa dun. Mga 11:30 na ako nakarating. Di ko na naabutan si Yakko, yung nakatira dun sa unit...pero sabi nya andun pa naman daw ang friend nya so i can still check out the room. Grabe nakailang tawag ako nun kay Yakko, una dahil nde ko makita yung 305 victoria ave...panu kasi lakad ako nang lakad along victoria avenue. Nagsimula ako sa 379 o 397 tapos umabot na ako sa 284 pero wala akong nakitang 305...naisip ko baka mali yung number na narinig ko sa kanya kagabi...hirap kasi intindihin yung english nya eh...pagtawag ko kay yakko tsaka ko narealize nasa kabilang side pala...yuang kabilang side nasa 300+ pa rin...ok pag dating dun sa apartment, di ko naman alam kung aling unit ang ibubuzz ko sa intercom...parang sinabi ata sa akin ni yakko pero nde ko masyadong maintindihan...ang dinig ko press the second button...eh ang labels ng intercom 1,2,3,4 up to 15 ata...so ang naisip ko 2 yung tinutukoy nya...nagbuzz na ako...isang beses, dalawa, tatlo, apat walang sumasagot...naisip ko umalis na siguro yung friend niya...tinext ko na lang si yakko, tinanong ko kung anong oras sya babalik sa unit nya kasi walang sumasagot sa intercom.
Lakad na ako papuntang chatswood chase para kumain. Di pa ako nagbreakfast nun...mga 12 na yun...Maya maya tumawag si yakko sa akin, andun daw yung friend nya at sabi nung friend nya wala naman daw nagriring sa intercom...Sabi ko nagbuzz ako sa unit number 2...Sabi nya "no, not two, it's seven". First syllable lang kasi narinig ko...tapos sabi "se... button" so i assumed second button...buti na lang walang sumagot dun sa unit number 2...(mukhang nagiging habit ko na ito ah...reminds me of the day we went to john's apartment...na nagdoorbell kami sa unit na 1507 pero walang sumagot so we tried to ring another unit kung san medyo maingay...tapos may nagbukas at isang stranger ang nagbukas...yun pala nasa maling building pala kami!!!)
Balik ako ulit sa 305 victoria avenue at nagbuzz na ako sa unit 7. isang asian guy named warren ang nagpakita ng room sa akin..sya raw yung magmomove out...3 bedrooms itong unit na ito...tapos may 2 bathrooms, isa sa master's at isang common. maganda naman yung unit...bago pa sya at modern...may mga gamit na...may built-in cabinet, desk, at mattress na sa room...kaya lang ang gulo ng mga gamit...sa sala ang daming nakasampay na damit...parang instead na gawing living room, ginawa nilang sampayan...siguro di siguro tlaga sila tumatambay sa living room..sa room ni yakko meron syang sariling tv at dvd player dun...yun yung room na ipapa-rent nila sa akin...tapos si yakko yung lilipat sa room ni warren...tapos may isa pa raw tenant at magshashare kami sa bathroom...sige pagiisipan ko muna...ito pa lang naman ang first na apartment na tiningnan ko...
umalis na ako sa apartment, meron pa akong isang titingnan na apartment sa chatswood pero mga 2 pa appointment ko dun...so balik ako sa chatswood chase para kumain. mga 1 pm tapos na ako kumain nun...naisip ko puntahan na yung isang apartment para makauwi rin nang maaga. bago ako umalis, sinearch ko muna sa whereis.com.au ang directions papuntang violet st. from chatswood station...ang sabi sa directions na nakuha ko, turn right at archer st tapos left at violet. grabe narating ko ang kaduluduluhan ng archer st nde ko pa rin nakita ang violet st. nagtanong ako sa isang matandang babae...sabi nya i'm pretty sure it's on the other side...naisip ko mali ba ang nakopya kong direction? dapat ba instead na turn left at archer st??? sige try ko other side...habang papunta ako sa kabilang side...naisip ko icheck ko na lang kaya sa map para sure...so i decided to find a bookstore and look for a map...i found angus & robertson then i went to find a street map of sydney...ang swerte yung kaisa-isahang street directory map ng sydney, box lang ang nakadisplay! kelangan pang hingin sa counter...so punta ako sa counter tinanong ko kung pwedeng makita ang item na yun at kung magkano...34aud sya...ang mahal naman...kunwari tinitingnan tingnan ko na lang ang loon pero hinahanap ko na ang violet st. Tama nga dapat turn left at archer st. nde turn right! (Paguwi ko tsaka ko lang narealize na nde chatswood service station ang napili kong origin at nde chatswood train station, duh!)
ok natunton ko rin ang 30 violet st. isa syang bahay na maraming rooms sa loob...may isang mama kasing nagmomove in that time kaya nakita ko ang loob...kaya lang parang kwarto kwarto lang sya...parang isang motel...ayaw ko na agad sa apartment na ito...tinanong ko dun sa mama kung nasaan ang mayari...sabi nya nde alam so tinawagan ko na lang ang contact person ko...pagtawag ko ba naman, ang sinabi sa akin...taken na raw yung room...grabeh!!! nagpagod pa ako!!! anyway, di ko rin naman like yung apartment!
ayun umuwi na ako...excited na ako maginternet para maghanap ulit ng ibang apartment...kaya lang nung nagsesearch na ako, parang wala akong makitang mas ok pa dun sa unang nakita ko...naisip ko ok na yung unang nakita ko...una mura na yung rent tapos wala na akong bibilhing gamit, ayos na ang lahat, may phone, may internet, malapit pa sa coles kaya madaling mag-grocery...tsaka nde nakakatakot maglakad kung gabi kasi main street sya...may ibang mas mura pero ang dami namang tenants sa bahay...ang daming magiging kashare sa bathroom...eh dun sa apartment ni yakko...isa lang ang magiging kashare ko...
tinawagan ko si yakko sabi ko gusto ko na kunin ang room, pero sabi nya sabihan ko na lang daw sya before thu kasi sa sunday pa naman daw magmomove out si warren, baka may makita pa raw akong iba (hmmm...does that mean kaya, ayaw nila ako maging flatmate???) anyway, sabi ko na lang sige but let me know kung may kukuha ng iba...nalaman ko rin pala na sya'y from HK and the other roommate is korean...ayus, at least puro asians kami...
wala na ako masyadong magawa...tinatamad na ako magsearch ng apartment...labas muna ako para magdinner at para bumili ng milk at cereal...
mga 10pm dumating na sina suyin and thuan...they introduced me again to the apartment kasi they dont trust na inexplain sa akin ni cindy nang kumpleto...ayun tinuro nila sa akin san nakalagay ang mga gamit gamit...sabi nila pwede raw akong kumuha dun sa mga supplies nila...ang nice talaga...pero medyo OC sila...yung mga baso kelangan nakaharap sa isang side ang lahat ng tenga...well i dont really mind...medyo OC din naman ako e...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
alam ko OC + OC, mas magulo :D
OC = di pedeng pisilin ang toothpaste tube sa gitna
Post a Comment