Saturday, June 30, 2007

Day 1

Medyo late na ako nakapagblog. Day 1 dapat June 29, 2007.

On this day I landed at the Kingsford Smith Airport as a permanent resident. I went through immigration and customs smoothly. Ni hindi nga nila binuksan ang anumang bag ko for inspection. May dala pa akong powdered milk which I was expecting them to scrutinize but they didn't.

(Oo, may powdered milk akong dala....alam nyo naman si mama, ayaw nya akong magutom, tsaka wala na raw iinom nun sa bahay...buti nga isang 400g lang dala ko...iniwan ko na yung isang pack sa bahay...next balik ko na lang dadalhin....ikwento ko ba na 45 kilos na ang aking baggage? ang allowed lang sa akin is 40 kgs kaya nung tinimbang nung attendant napailing na lang sya...kelangan ko raw bawasan o ilipat sa backpack na ihahandcarry ko...eh mga 2 kilos na lang ang pwede kong idagdag sa aking handcarry. So tinanong ko kung pwede na ba ang 43 kgs. Sabi nya 40 lang daw tlaga ang allowed. Ayun on the spot, nagrerearrange na naman ako ng baggage...kala ko katulad sila ng cathay na may allowance pa na 5 kgs...asa pa eh no...40 kgs na nga ang baggage allowance ko. Ang ginawa ko na lang inilagay ko ang aking makapal na book sa laptop bag. Mga 2 kilos din siguro yung book na yun. Tapos yung ibang laman ng checked in luggage ko inilipat ko na lang sa backpack. Tapos meron akong plastic case na ang laman ay mga documents at cd...ayun hinandcarry ko na rin...dami kong handcarry, isang laptop bag, isang backpack, at isang plastic document case. pag dating sa check in counter at pagtimbang nung dalawang checked-in baggage ko, tinanong ko kung ilang kgs lahat...40kgs daw...nagningning ang aking mata...ito humirit pa ako...pwede ba magdagdag ng isang book? sabi nya ok lang...kala siguro nya maliit lang...nung inilabas ko na ang makapal na book, nagtanong na sya sa kanyang supervisor...mukhang nahiyang tumaggi si mamang supervisor kaya pinayagan nila ako...hehehe...yehey!!! nabawasan ng mga 2 kgs ang bibitbitin ko!!!)

(Oo nga pala...may isa pa akong kwento sa immigration sa pinas...kelangan ko pa raw magbayad ng exit clearance dahil ako'y isang alien...akala ko nde na kelangan dahil may icard na...pumasok sa isip ko i-under the table na lang para mas mababa ang babayaran...kaya lang mukhang disente yung immigration officer eh...ayun punta ako sa cashier...buti na lang abot pa yung cash na dala ko...P2170 din yun grabeh!!!)

Back to my life in Sydney...

On my way out, I bought credits for my Vodafone sim. I guessed it was still working even after 11 months of not using it because when I turned it on, it got a signal. Nung nagload nga ako ng credit sabi, my sim would expire on July 4...5 days na lang...whew!!! buti umabot pa hehehe

Then it was time to look for transportation to the city. I tried to book for transport to the city online pero ang sabi sa email sa akin, just look for the KST Airporter representative wearing an official ID at the "meeting point." Di ko naman mahanap...Ayun magtataxi na sana ako but then paglabas ko meron isang mama na nagooffer ng 10aud to any hotel or backpacker in the city raw. tinanong ko kung pwede sa isang apartment...basta raw sa city tapos sabihin ko na lang daw sa driver. so i gave him 20aud and he gave me a change of 10aud then i went to bus stop #7 where i was told to go. when i got there i was still holding the 10aud change and the ticket when i held my hand out. kinuha rin ni mamang driver ang 10 aud. sabi ko wait, wait...and then i tried to get yung 10aud. pero ayaw na ibigay ni mamang driver...sabi ko i already paid for the ticket. sabi nya "yeah...what about the luggage? 5aud for the luggage..." hmmm....bakit kaya walang receipt? sige na nga...isipin ko na lang tip yun...mabigat din naman ang 2 luggage ko...tsaka mga 40aud din ang matitipid ko kaysa magtaxi ako.

when i got to the apartment...cindy was already outside waiting for me...wawang cindy...ang tagal atang naghintay...ako kasi ang pinakalast na binaba ni mamang driver. then cindy showed me around the apartment and gave some more reminders from suyin to add to the long list they gave me previously (one day..maipost nga) tapos iniwan na ako ni cindy. and unang ginawa ko??? nag internet!!! nag-apply ako ng tax file number online...then i went to sleep. ay bago pala ako naginternet, tinawagan ko muna sina mama para sabihing ako'y nakarating nang maayos sa australia. mukhang nagising ko ata sila...7plus am pa lang kasi nun sa pinas...pero buti naman nakatulog na si mama...kaya lang sana mas late ako tumawag para mahaba-haba pa ang tulog nya.

mga 1pm labas naman ako punta ako sa hsbc to open an account...i brought cash with me eh syempre delikado yun kaya gusto ko agad mailagay sa bangko...i chose to open with hsbc kasi wala silang monthly service fee...pag dating ko sa hsbc...akala ko sapat na ang passport to open an account, pero nde pala...hinihingan pa ako ng driver's licence or any id with address or kahit billing statement...eh di ba sa passport wala namang nakalagay na address...patay di ko pa naman dala ang driver's licence ko, isip ko kasi nde ko naman yun magagamit dito...at wala rin akong billing statament na dala...bakit ko naman dadalhin yun? sabi ni terry, yung bank assistant, hsbc requirement lang naman daw yun e...so ayun i was ready to try another bank pero on the way out, naisip ko may icard nga pala ako, at buti na lang pagcheck ko may address na nakalagay sa likod...address ko pa sa tondo nakalagay dun pero nde naman nila alam yun...grabeh may silbi rin pala yang icard, kahit na nagbayad pa rin ako sa immigration...kaya ayun nakapagopen na ako ng account...dineposit ko lahat ng pera ko, tinira ko lang 500aud...tapos pag labas ko ichecheck ko sana yung account ko sa atm...dun ko lang narealize...sa dami ng binigay ni terry na papel sa akin...wala dun ang atm card...so balik ako tanung ko kulang kelan ko makukuha ang atm card ko...5-10 working days daw....waaaahhh...that means kelangan ko magover the counter kung kakailanganin ko magwithdraw....may charge pa naman na 5aud per transaction pag over the counter!!! sige na nga...isipin ko na lang parang nagopen na lang ako sa ibang bank na may monthly service fee...mga ganun din kasi ang amount na chinacharge nila...parang may monthly service fee lang ako for one month.

ayan nde pa pala ako kumakain...so i went to QVB(Queen Victoria Building). Naisip ko kumain ng laksa para mainitan...ang ginaw kasi...akala ko naninibago lang ako dahil galing ako sa pinas pero sabi ni cindy, mas malamig daw talaga ngayon kaysa last year...

after having my laksa, punta naman ako sa medicare office...di ko mahanap...sabi sa internet, shop 30 town hall arcade...wala naman akong nakikitang town hall arcade...pero may nakita akong town hall square...lakad lakad ako...ayun!!! andun nga sya...kaya lang nde pa raw ako pwede magenroll kasi kararating ko lang today, dapat after 10 days of my arrival pa kasi nde pa nauupdate ang kanilang system na ako'y isang permanent resident. excited kasi masyado!

after that, i went back to the apartment...dun ko lang narealize nde ko na bitbit ang booklets from hsbc, siningit ko rin dun ang deposit slip ko...bumalik ako sa medicare at tinanong sa medicare employee kung may naiwan akong booklets sa counter nya...wala raw...oh well...subukan ko na lang humingi ulit ke terry...di bale na lang yung deposit slip...

tahimik lang naman ang aking evening...pinagluto ako ni cindy ng omelette at nanuod kami ng premonition ni sandra bullock...nagplay pa kami ng isa pang movie hellboy pero tinulugan ko na sya...sobrang antok ko na eh...

I took some pictures of the apartment where I am staying now. Click here.

Btw, if you're wondering where Suyin and Thuan are. They're in Melbourne so it was Cindy who showed me around their apartment.

2 comments:

Quentin said...

daldal!

- francis

jramoyo said...

oo nga mahaba nga...